Alamat ng kasinulingan

Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalaki...????

Karpintero itong si Jojo at isang araw eh gumagawa siya ng isang
bahay sa
tabi ng ilog. Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo
niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "Tutulungan kita,
Jojo"...
sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, "Ito ba ang
martilyo
mo?"... "Hindi po". Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
"Ito ba?"...
"Hindi po". Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary
hammer, "Ito ba?".
"Opo" ... Natuwa ang anghel.

"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold
and silver hammer".

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa tabi ng ilog at
kasama ang
misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Jojo.
Litaw si guardian
angel, "Tutulungan kita"... sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama
si Paris Hilton,
"Ito ba ang misis mo?"... sagot si Jojo, "Opo". Nagalit si anghel,
"Sinungaling ka. Akala ko
pa naman mabait ka".

Nag- reason-out si Jojo, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi
kong 'Hindi', eh
lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Jessica Simpson.
At pag sinabi
ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na
misis ko na ang
kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Paris
at Jessica.
Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na
lang ang
sinagot ko nung una".


Moral of the story: Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki eh
for a good and noble reason.


awooooooooooooohhhhhhhh................talaga????????????

2 comments:

anjel said...

bwhahahaha HINDI DIN!!! men are naturally polygamous.. minsan di nio namamalayan nagkakasala na kayo sa isip pa lang hehehe bitterness at its best! :-)

sphinx89 said...

ehh..palabas lng yun ng lalaki..pro ang di nya alam..mas nagsawa ang kanyang asawa sa kanyang mukha at sa puno ng katamaran at katangahan...

 
Alfie Miranda