Showing posts with label Family Relations. Show all posts
Showing posts with label Family Relations. Show all posts

child support

Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.

Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.

Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya

Read child support now!!!

Babaerong tatay

INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.

[pagkatapos tawagan.]

ANAK: nay, babae po ang sumagot.
INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'you only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay mukhang matapobre.

Read Babaerong tatay now!!!

DANKTRAK

ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin.
TATAY: Tanga inde danktrak un...TEN MILLER!!!

Read DANKTRAK now!!!

Alamat ng kasinulingan

Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalaki...????

Karpintero itong si Jojo at isang araw eh gumagawa siya ng isang
bahay sa
tabi ng ilog. Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo
niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "Tutulungan kita,
Jojo"...
sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, "Ito ba ang
martilyo
mo?"... "Hindi po". Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
"Ito ba?"...
"Hindi po". Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary
hammer, "Ito ba?".
"Opo" ... Natuwa ang anghel.

"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold
and silver hammer".

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa tabi ng ilog at
kasama ang
misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Jojo.
Litaw si guardian
angel, "Tutulungan kita"... sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama
si Paris Hilton,
"Ito ba ang misis mo?"... sagot si Jojo, "Opo". Nagalit si anghel,
"Sinungaling ka. Akala ko
pa naman mabait ka".

Nag- reason-out si Jojo, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi
kong 'Hindi', eh
lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Jessica Simpson.
At pag sinabi
ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na
misis ko na ang
kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Paris
at Jessica.
Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na
lang ang
sinagot ko nung una".


Moral of the story: Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki eh
for a good and noble reason.


awooooooooooooohhhhhhhh................talaga????????????

Read Alamat ng kasinulingan now!!!

Joke time!!!

Mr: kung marunong ka lang sanang maglaba,
eh di nka2tipid sana tayo ng 2000 sa maid.
Mrs: hmmph!! kung ikaw mgling sa kama, eh di nakatipid tayo ng 7500
sa driver!
*********************************
A black baby was given a pair of wings by a fairy....
Baby: does this mean im an angel??
Fairy laughs....
Fairy: Of course not! negrang 'to, ambisyosa! Paniki ka!
****
Nanay: anak, hindi ka ba nahihiya??! linis ako nang linis dito tapos
ikaw, naglalaro lang jan?!!
Anak: Nay, hindi ba mas nakakahiya kung ako ang naglilinis jan at
ikaw ang naglalaro dito?? toink...
****
doc: iho, bakit mu naman sinapak ung lalaki kanina?
Boy: e doc, nakita niya na ninenerbyos ako ako sa resulta ng AIDS
test!
tapos sasabihin pa niya...
THINK POSITIVE

Read Joke time!!! now!!!

Ang sulat.......


Minamahal kong anak,


Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa.

Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo, ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasaang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

sa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang Terminal nila?

At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot.Di ko nasagot... ikaw anak, alam mo?

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.


Love,

Tatay

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha.

Read Ang sulat....... now!!!

Delayed ng Isang Buwan

Pag dating ni Munir sa bahay, sabi ni Ei, ang asawa nya, "Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor. Pero huwag mong sabihin kahit kanino, kung hindi mapapahiya lang ako kapag di nagkatotoo."

Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco. Pagbukas ng pinto, sabi niya, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan."

"Kanino mo nalaman ito?" tanong ni Ei.

"Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng taga-Meralco.

"Talaga? Nakasulat sa records ninyo?"

Sa sumunod na araw, si Munir ay dumating galit na galit sa counter ng Meralco.

"Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang misis ko?

"Konting pasensya lang. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito, magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyado.

"Eh, kung ayaw kong magbayad?" tanong ni Munir.

"Puputulan ho kayo," sagot ng empleyado.

"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?"

"Pwede naman siyang gumamit ng kandila, di ba?"

Read Delayed ng Isang Buwan now!!!

masamang balita

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa
bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong
parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay,
buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng
bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat
sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang
nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat
ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para
saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi,
walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

Read masamang balita now!!!

SUKO SA MISTER

Mrs 1: Suko na ako sa mister ko, lagi na lang ako binubugbog bago niroromansa...

Mrs 2: Mas grabe yung mister ko. Binubugbog ako tapos si Inday ang niroromansa.

Read SUKO SA MISTER now!!!

FIRST LOVE NEVER DIES

Anak: Inay, totoo ba na "First love never dies"?

Nanay: Aba, oo. Tignan mo yang tatay mo, hangga ngayon, buhay pa ang animal!

Read FIRST LOVE NEVER DIES now!!!

CONFIDENT VS CONFIDENTIAL

Anak: Itay, ano ang kaibahan ng confident sa confidential?

Itay: Anak kita, CONFIDENT ako dyan. Yung bespren mong si Tikboy, anak ko rin, CONFIDENTIAL yan.

Read CONFIDENT VS CONFIDENTIAL now!!!
 
Alfie Miranda